5,000 puno ng marijuana, nabunot sa Tupi, SoCot

KORONADAL CITY — SINALAKAY ng pinagsanib na pwersa ng Tupi Municipal Police Station, Regional Intelligence Division 12, PNP PDEG, Regional Police Drug Enforcement Unit 12, South Cotabato Police Drug Enforcement Unit, South Cotabato Police Intelligence Unit, 1st South Cotabato Provincial Mobile Force Company, at 1205th Company ng Regional Mobile Force Batallion 12 ang umanoy plantasyon ng marijuana alas 11:30 ng umaga kahapon sa bulubunduking bahagi ng Sitio Benigno, Barangay Miasong, Tupi, South Cotabato, malapit sa boundary ng Davao Del Sur at Sarangani Province.

Sa nasabing operasyon, humigit kumulang nasa 5,000 na puno ng marijuana ang nabunot ng mga otoridad na nagkakahalaga ng P1 milyon.

Habang kinilala naman ang cultivator sa naturang plantasyon na umanoy si Jimbel Sinaya Dayangay na residente din sa nasabing lugar, at hindi naman naabutan ng isinagawa ang operasyon.

Agad namang sinunog ng mga otoridad sa lugar ang karamihan sa mga nabunot at nagdala na lamang ng sample bilang ebidensya at para sa isasagawang eksaminasyon.

Sa ngayon ay inihahanda na ng mga otoridad ang kasong isasampa laban sa mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *