502 classrooms, itatayo sa So.Cot

KORONADAL CITY- APRUBADO na ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato ang ordinansa na nagbibigay ng authority kay Governor Reynaldo Tamayo Jr na lumagda sa Memorandum of Agreement o MOA kasama ang Melco Resorts Philippines Foundation Corporation at Department of Education o DepEd South Cotabato Division.

Sa isinagawang session noong Lunes, inaprubahan ng SP ang ordinansa na iniakda ni Board Member Cecile Diel alinsunod sa urgent request ng gobernador.

Nakasaad sa MOA ang pagpapatayo ng Melco Resorts ng 502 na mga classrooms sa lalawigan, 154 para sa junior at senior high schools habang 348 naman para sa mga elementary schools.

Ito ay suporta ng Melco Resorts Foundation sa mga programa sa edukasyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na siyang tumukoy sa South Cotabato bilang benepisyaryo.

Responsibilidad naman ng DepEd South Cotabato ang pagtukoy sa mga paaralan na pagtatayuan ng mga silid-aralan.

Inaasahan na mapupunan nito ang problema sa classroom shortage sa probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *