500K inaasahang bibisita sa Binondo para sa Chinese New Year

Nasa kalahating milyon ang inaasahang bibisita sa China Town sa Binondo para sa Chinese New Year.

Ayon kay Manila Police District Director, Police Brigadier General Thomas Ibay, sapat ang bilang ng mga pulis at mayroon na ring inilatag na checkpoint para magbantay ng seguridad ng ating mga kababayan maging ng mga turistang bibisita sa China Town.

Ilang aktibidad naman ang inaasahan mamaya kabilang ang konsyerto sa Lucky Chinatown Mall at ang inaabangang fireworks display sa Binondo-Intramuros Bridge mamayang gabi, gayundin ang Solidarity Parade bukas.

Pinag-iingat din ni Ibay ang ating mga kababayan mula sa mga mandurukot.

Pinapayuhan ang publiko o na huwag nang magadala ng malaking halaga ng pera at pagsuot ng mga alahas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *