Mga paglabag na nakita ng MANIBELA sa ilang ahensya – binigyang-diin ng MANIBELA

Iginiit ni MANIBELA chairman Mar Valbuena na marami silang nakitang paglabag sa Department of Transportation, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Office of Transportation Cooperatives, at Office of the Solicitor General kaugnay ang PUV Modernization Program na siyang dahilan para maghain sila ng criminal case laban sa mga ito.

Sa panayam ng 105.1 Brigada News FM Manila, sinabi ni Valbuena na isa sa mga paglabag ng naturang mga ahensya ay ang sapilitang pagpapasali sa mga drivers at operators sa mga kooperatiba alinsunod sa programa.

Ayon kay Valbuena, malaya dapat silang magdesisyon kung sasali ba sila o hindi sa mga kooperatiba.

Sa huli, mariing niyang sinabi na hindi naman sila tataliwas sa programa kung maayos at malinaw ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *