51% ng mahigit kalahating milyong doses ng COVID-19 vaccine na natanggap ng Bicol, naibakuna na

BICOL—Umaabot na sa 51% ng kabuuang 632,800 doses ng COVID-19 vaccine na natanggap ng Bicol region ay naibakuna na mula sa A1 hanggang sa other priority groups.

Katumbas ito ng 321, 630 doses kung saan 219,660 ang nagamit para sa first dose habang 101,970 ang nagamit sa second dose.

Umaabot na sa 64, 450 ang nakumpletuhan ng second dose sa A1 priority group o mga healthcare workers; 22,938 sa A2 o mga senior citizen; 10,709 sa A3 o individuals with comorbidities; 3,103 sa A4 o mga uniformed personnel kabilang na ang media; 145 sa A5 o ang Indigent population at 625 sa B1, B6 at C o Other priorities.

Ang lalawigan ng Camarines Sur ang may pinakamataas na allocation na nasa 189,130 doses; sumunod ang Albay na 167,192; Masbate 97,785; Sorsogon 88,407; Camarines Norte 51, 423 at Catanduanes na may 38, 863 vaccine doses.

Sa ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang pagbabakuna sa mga lalawigan dahil sa patuloy na pagdating ng vaccine supply kung kaya patuloy din ang paghikayat ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na huwag nang mag-alinlangan na magpabakuna sa COVID-19.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *