APEC nanawagan sa NEA at DOE na bilisan na ang pagreview sa terms of reference ng CSP para sa bagong power supplier

BICOL—Matapos na mapagbigyan ang inihirit na Certificate of Exemption (COE) ay hindi pa rin masisigurong hindi na muling bibili ng mas mahal na suplay ng kuryente Albay Power and Energy Corporation (APEC) sa spot market.

Ito ay dahil pansamantala lamang ang COE habang isinasagawa ang Competitive Selection process (CSP) para sa bagong power supplier nito na kailangang matapos hanggang sa Disyembre.

Dahil dito ay nanawagan ang kumpanya sa National Electrification Administration (NEA) at Department of Energy (DOE) na bilisan na ang pagreview at pag-apruba sa terms of reference ng CSP para maipublish na at masimulan na rin ang proseso.

Kasabay nito ay ang pag-imbita naman ni APEC Chief Operations Officer Apolinario Alvarez sa lahat ng mga power generators na mag-offer sa APEC upang mas marami itong mapagpilian.

Sa ngayon ay binibili pa rin ng APEC sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ang natitira ng kabuuang konsumo ng Albay habang ang 40 megawatts nito ay kinukuha na sa San Miguel Energy Corporation (SMEC) matapos mapagbigyan ang COE.

Pero malaking bagay na rin umano ang nabawas dahil kung lahat ng suplay ay kukunin pa rin sa spot market ay posibleng umabot ng hanggang P17 per KWH ang presyo ng kuryente sa Albay.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *