575,800 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine, dumating na sa PH

Dumating na sa bansa ang mahigit 500,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine na binili ng private sector sa pamamagitan ng tripartite agreement sa national government.

Ang 575,800 vaccine doses ay dumating kaninang umaga sa Ninoy Aquino International Airport (Naia) at tinanggap ni vaccine czar Carlito Galvez at Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion.

Inaasahan naman na marami pang AstraZeneca jabs na binili ng private sector ang darating sa bansa sa susunod na linggo.

Sa kabuoan, nakatanggap na ang Pilipinas ng mahigit 42 million COVID-19 vaccine doses simula noong Pebrero.

Samantala, sinabi rin ng National Task Force against COVID-19 na may 15,000 doses ng Russian-made vaccine Sputnik V ang inaasahang darating sa bansa, bukas. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *