10 PDL sa Legazpi City Jail nagtapos sa Junior High School sa tulong ng ALS

BICOL—Hindi naging hadlang sa sampong Persons Deprived of Liberty (PDL) ang kanilang pagkakakulong maging ang pandemya upang ipagpatuloy ang pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Ipinagpatuloy ng mga ito ang kanilang pag-aaral sa loob ng jail facility sa tulong ng Alternative Learning System (ALS) Program ng Department of Education (DepEd) kung saan natapos nila ang Junior High School.

Puno ng galak na dumalo sa completion ceremony sa pamamagitan ng zoom ang sampong PDL, pito nito ay lalaki at tatlo ay babae.

Tema ng seremonya ang “Kalidad ng Edukasyon Lalong Patatagin sa Gitna ng Pandemya.”

Maliban sa kanila, mayroon pang apat na kasabay nilang nagtapos din na mga dating PDL pero nakalabas na. Tatlo sa mga ito ay babae at isa ang lalaki.

Dumalo sa virtual ceremony si Mr. Glen Nacion, ang Schools Division Superintendent/Division ALS Coordinator na siyang nagkumpirma sa mga completers at ang mga opisyal ng Legazpi City Jail kabilang si JSinsp Ralph Vincent Bobis, City Jail Warden, SJO1 Katherine Duka, Chief, WD Officer, at JO1 Omar Bordeos, ALS JNOR.

Kaugnay nito ay pinasalamatan ng pamunuan ng jail unit ang Department of Education, partikular ang ALS Division para sa pagsasakatuparan ng programa para sa mga PDL na malaking bagay para sa paghahanda sa mga ito para sa kanilang reintegration sa komunidad.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *