578 na indibidwal nabakunahan kontra COVID- 19 sa Camarines Norte sa  unang dalawang araw ng Oktubre

CAMARINES NORTE- Umaabot sa 578 na indibidwal ang nabakunahan kontra COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte sa unang dalawang araw ng Oktubre.

Batay ito sa datos ng Provincial COVID- 19 vaccination operation hanggang nitong Miyerkules ng umaga, October 5.

Pinakamarami ang nabakunahan sa bayan ng Mercedes na nakapagbakuna ng 274 indibidwal.

Mababatid na tinungo ng vaccination team ang mga pinaka malalayong barangay sa naturang bayan upang magbakuna.

Kasama ng team ang mga halal na opisyal na namahagi ng bigas at school bags upang mahikayat ang mga tao na magpabakuna.

Naging epektibo naman ang hakbang na ito dahil marami ang tumugon sa panawagan na magpabakuna kontra COVID- 19.

Sinusundan naman ito ng Daet na nakapagbakuna ng 182indibidwal.

 Ang bayan ng Labo ay nakapagbakuna ng 51 indibidwal,  Paracale 31, San Lorenzo Ruiz 13, San Vicente 12, Jose Panganiban 10, Basud 4 habang isang tao lang ang nagpabakuna sa Talisay.

Walang naitalang nabakunahan sa Capalonga, Sta Elena at Vinzons sa nabanggit na panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *