PBA: Abueva pinangunahan ang Magnolia sa 94-92 win vs TNT

Hindi nagpatinag ang Magnolia Hotshots laban sa TNT Tropang Giga para manalo sa score na 94-92 sa 2022 PBA Commissioner’s Cup.

Kaugnay nito, nag-score si Calvin Abueva ng 15 sa kanyang 25 points sa payoff period.

Sinasabing ito ang best game para sa kanya sa conference ngaon, kung saan nagbigay din ito ng 9 rebounds at nakakuha ng dalawang 2 steals, na nag-udyok para sa third straight victory ng Magnolia.

Dahil dito, tie na ang Magnolia sa Bay Area Dragons sa top ng standings.

Samantala, ang Serbian import na si Nick Rakocevic ay may double-double na 22 points at 15 rebounds para sa Magnolia, pero nakaranas ng injury sa final quarter.

Nabatid na makapigil hininga ang huling ilang segundo ng laro nang mag-tie sa 92 ang dalawang team, pero dahil dalawang free throw ni Paul Lee ay nagtapos ito ng 94-92 sa natitirang apat na segundo ng laro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *