6 na rebelde sa So.Cot, sumuko kasabay ng anibersaryo ng NPA

KORONADAL CITY- ANIM na miyembro ng komunistang grupo sa lalawigan ng South Cotabato ang sumuko kasabay ng ika-53 anibersaryo ng New Peoples Army o NPA.

Ayon kay kay Police Col. Nathaniel Villegas, provincial director ng South Cotabato Police Provincial Office (SCPPO) na kabilang sa nagbalik-loob sa pamahalaan ang limang kasapi ng Guerilla Front 73 Far South Mindanao Region at isang mass supporter ng Guerilla Front Alip GF 72 bitbit ang kanilang mga armas.

Ang pagsuko ng mga ito ay resulta ng isinagawang community outreach program ng SCPPO sa mga lugar na may presensya ng communist terrorist group (CTG).

Bilang paunang tulong, ang mga rebel returnees ay nakatanggap ng cash assistance at grocery items mula sa SCPPO.

Hinihikyat naman ni Villegas ang iba pang mga naiwang miyembro at supporters ng NPA na magbalik-loob na upang matulungan at makabenepisyo sa mga programa ng gobyerno.

Ang mga sumukong rebelde ay makakatanggap din ng financial assistance at livelihood assistance sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *