Maleldo Rights sa City of San Fernando, Pampanga kanselado ngayong taon

Kanselado sa ikatlong pagkakataon ang lahat ng mga aktibidad na isinasagawa tuwing Mahal na Araw sa City of San Fernando.

Sa EO na inilabas ng City Government na pirmado ni Mayor Edwin Santiago, hindi papayagan ang mga traditional passion play katulad ng “senakulo o tira bakal”  at ang re-enactment ng way of the cross o pagpapako sa krus.

Maging ang pagpipinitensya ay mahigpit na ipinagbabawal.

Samantala, hindi nabanggit sa naturang kautusan ang pagbabawal sa mga traditional “Pabasa” kaya’t maaari itong isagawa sa bawat barangagay.

Paglilinaw ng City Government, ipinatupad ang EO dahil pasok parin sa Alert Level 1 classification ang syudad dahil sa banta ng Covid-19.

Ang sinomang lumabag rito ay malinaw na lumabag umano sa RA 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *