6 patay, 81 sugatan sa bombing incident sa Istanbul, Turkey

Patay ang anim (6) na tao habang umabot sa 81 ang nasugatan sa nangyaring pagsabog sa mataong lugar sa central Istanbul Turkey.

Sa inisyal na report, kabilang sa mga biktima ang isang government ministry employee at anak nito sa mga biktima.

Sinabi ni Vice President Fuat Oktay na pinaniniwalaang ang nangyaring pagsabog ay gawa ng mga terorista na isinagawa ng isang babae.

Ayon sa report, isang babae kasi ang nakitang umupo sa isa sa mga upuan sa pinangyarihan ng krimen sa loob ng 40 minuto habang nangyari ang pagsabog, ilang minuto lamang pag-alis nito sa puwesto.

Kaugnay nito, tiniyak ni President Recep Tayyip Erdogan na mapaparusahan ang mga kagagawan sa krimen.

Wala pa namang grupo ang umako sa nangyaring pagpapasabog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *