6 sa 7 takers ng bar mula sa 1st batch ng BU college of law, pumasa; kolehiyo, pangatlo sa top performing law school sa Pilipinas

LEGAZPI CITY – Pasok sa top performing law schools ng Philippine Bar Examination para sa 2023 ang Bicol University College of Law, kung saan nakuha nito ang pangatlong puwesto.

Ikinatuwa naman ito ng kolehiyo partikular ni college dean Atty. Joseph L. Bartolata.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi sa dekano, sinabi nito na kanila itong ikinatutuwa lalo’t pioneer batch ang mga takers ng kolehiyo.

Ani Bartolata, pito ang kabuuang bilang ng mga nag-take sa batch na ito, subalit 6 dito ang mga pumasa.

Kinilala naman itong sina Atty. Ma. Feona Imperial, Atty. Shiela Marie Gonzales, Atty. April Jane Moral, Atty. Andre Maurice Rey, Atty. Don Don Nopre at Atty. Monica Calleja.

Binigyang-diin naman ni Bartolata, kung pagbabatayan ang first time takers, nasa pangatlong puwesto ang BU College of Law sa buong Pilipinas.

Subalit, kung pagbabasehan naman ang nasa website ng Supreme Court at ikokonsidera ang lahat ng takers o candidates, numero 1 ang nasabing kolehiyo.

Samantala, nakuha naman ng kolehiyo ang total rating na 85.71% sa bar exam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *