621 OFWs sa region 12, nakabenepisyo sa Balik Pinas Balik Hanapbuhay program ngayong 2023

KORONADAL CITY- NASA 621 na mga distressed Overseas Filipino Workers o OFW na sa Soccsksargen region ang nabigyan ng livelihood assistance ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA region 12 sa unang quarter ng 2023.

Ito ay sa ilalim ng Balik Pinas Balik Hanapbuhay o BPBH program na nagbibigay ng tig P 20,000 na ayuda sa mga qualified OFWs upang makapagsimula ang mga ito ng maliit na pagkakakitaan o bilang dagdag na capital.

Kabilang sa maaaring makabenepisyo sa BPBH program ang mga umuwing distressed OFWs, hindi nakatapos ng kanilang kontrata dahil sa problema sa employers, na-retrench, inabuso at mga hindi pinasahod ng kanilang mga amo.

Sa kabuuan, umabot na sa P 10, 255, 000 ang nai-release na ayuda ng OWWA 12 sa Balik Pinas Balik Hanapbuhay mula Enero hanggang Marso ngayong taon.

Noong 2022, umabot sa P 34.4 million ang nairelease na ayuda ng OWWA 12 sa 1, 676 na mga benepisyaryo.

Para sa dagdag na detalye kaugnay sa mga programa ng OWWA, hinihikayat ang mga OFWs na makipag-ugnayan lamang sa OWWA Regional Welfare Office 12 na makikita sa Ilao Building, Judge Alba Street, Barangay Zone 3, Koronadal City o sa mga designated Public OFW Desk Officers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *