65-anyos na lola patay nang mabangga ng pulis sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Patay ang 65-anyos na lola matapos na mabangga ng motorsiklong minamaneho ng pulis sa Camarines Sur.

Sa ulat ng PNP nangyari ito bandang alas-7:35 ng gabi sa Barangay Himaao, Pili.

Kumatawid sa kalsada ang biktimang si  “Nomie”  65 nang aksidenteng mabangga ng motorsiklong minamaneho ng isang Police Corporal na 33-anyos , assigned sa Ocampo Municipal Police Station na residente rin ng naturang bayan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga sa imbestigar ng aksidente, sinabing ayon sa asawa ng biktima, nanonood sila ng TV nang mga oras na iyon, lumabas ang lola , sanay daw kasi itong kumain habang nanonood, baka may bibilhin. Hanggang sa makarinig ng malakas na kalabog at nang tinggan asawa niya pala ang nabangga.

Dinala sa ospital ang lola pero hindi na nakaligtas pa.

Sinabi pa sa BNFM ng imbestigador na ayon sa pulis medyo madilim sa lugar kaya hindi niya nakita ang biglang tumawid na lola, hindi na naiwasan dahil mabilis din ang takbo ng motor.

Inihahanda ng PNP na ang kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide laban sa pulis pero dedepende ito sa mapag-uusapan ng magkabilang panig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *