Ground breaking ceremony ng kauna-unahang solar powered poultry farm sa bayan ng Castilla, isinagawa

Isinagawa na ang ground breaking ceremony ng kauna-unahang Solar Powered Poultry Farm sa bayan ng Castilla, Sorsogon.

Ang pasilidad na gagamit ng solar para sa heating system nito ay nakatakdang itayo sa 428,699 square meters na lupa sa Brgy. Loreto ng nasabing bayan.

Bukod sa makatitipid sa bayarin sa kuryente malaki rin ang maitutulong nito sa pangangalaga ng kalikasan.

Inaasahan din na magiging malaking kapakinabangan ito sa mga residente ng nasabing bayan na nangangailangan ng hanapbuhay at pagkakakitaan.

Ang nasabing proyekto ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Castilla LGU sa pakikipagtulungan ng San Miguel Corporation. Kabilang sa mga dumalo sa aktibidad sina Engr. Allan Daria ng Provincial Engineering’s Office, at ang mga kinatawan mula sa PESO, PENRO, San Miguel Food Inc., POSS, mga opisyal ng barangay at mga department head ng LGU.

PHOTO: Google

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *