65 y/o pataas na tatakbo sa 2022 poll, papayagang personal na maghain ng COC

Pinayagan ng Inter Agency Task Force (IATF) na makalabas ang mga indibidwal na edad 65 pataas na tatakbo sa 2022 elections upang personal na makapaghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) sa tanggapan ng Commission on Election (COMELEC).

Sa anunsyo ni presidential spokesperson Sec. Harry Roque, maaaring makalabas ang mga nasabing indibidwal mula October 1 hanggang October 8, 2021.

Ayon sa kalihim, sa panahon na iiral ang filing para sa certificate of candidacy, ikokonsidera ang mga ito na APOR (Authorized Persons Outside Residence).

Batay sa dessiyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, sinabi ni Roque na ang mga ito ay exempted anuman ang community quarantine classification at kanilang vaccination status. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *