Bicol region nagtala ng 174 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

BICOL—Pumalo na sa 22,461 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng 174 na panibagong kaso.

66 nito ay mula sa lalawigan ng Masbate kung saan 32 ang naitala sa Masbate city, pito sa bayan ng Mandaon, anim sa bayan ng Uson, lima sa bayan ng Aroroy, tig-aapat ang mga bayan ng Cataingan, Dimasalang at Milagros, dalawa sa bayan ng Batuan at tig-isa ang bayan ng Balud at Mobo.

40 bagong kaso naman angt naitala sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan 15 nito ay mula sa bayan ng Daet, tigpito ang bayan ng Jose Panganiban at Sta. Elena, anim sa bayan ng Labo, tatlo sa bayan ng Vinzons at tig-isa ang bayan ng Capalonga at Mercedes.

36 na bagong kaso naman ang naitala sa Camarines Sur kung saan 11 nito ay mula sa lungsod ng Naga, lima sa bayan ng Nabua, apat sa bayan ng Bato, tigdalawa ang mga bayan ng Ragay, Sipocot at Tigaon at tig-iisa naman ang mga bayan ng Baao, Bombon, Bula, Camaligan, Caramoan, Goa, Magarao, Pasacao, Pili at lungsod ng Iriga.

15 bagong kaso naman ang naitala sa Catanduanes kung saan pito nito ay mula sa bayan ng Bato, lima sa bayan ng Virac at tig-iisa ang mga bayan ng Bagamanoc, Caramoran at San Andres.

Ang lalawigan ng Albay ay nagtala lamang ng pitong kaso kung saan dalawa nito ay mula sa bayan ng Camalig at tig-iisa ang mga bayan ng Daraga, Oas, Tiwi at mga lungsod ng Legazpi at Ligao.

Pitong kaso rin ang naitala sa Sorsogon kung saan anim nito ay mula sa Sorsogon City at isa sa bayan ng Bulan habang tatlo naman ang nagpositibo na mula sa labas ng rehiyon.

Samantala, pumalo na sa 18,550 ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos madagdagan ng panibagong 84 kung saan 29 nito ay mula sa Camarines Norte, 28 sa Camarines Sur, 18 sa Sorsogon, anim sa Catanduanes at tatlo sa lungsod ng Naga.

Dalawang pagkasawi naman ang nadagdag na mula sa Camarines Norte at Naga City kung kaya pumalo na sa 852 ang death toll sa COVID-19 sa Bicol region.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###  || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *