7.2 million voters na hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na election, tinanggal ng Comelec

Kinumpirma ng Commission on Elections na nasa mahigit 7.2 million na mga botante ang tinanggal sa listahan matapos na bigong maka-boto sa dalawang magkasunod na halalan.

Sa isang press conference sinabi ni Comelec Commissioner Atty. George Garcia na maliban sa naturang bilang nasa mahigit 755,000 naman ang tinanggal sa voter’s list matapos makumpirma ng ahensiya na patay na ang mga ito.

Aminado naman si Garcia na kumplikado ang proseso sa pag-update sa voter’s list kaya hindi maiwasan na may mga patay na subalit nasa listahan pa rin pagdating ng botohan.

Dahil dito umaapela ang Comelec sa publiko na tumulong at makipag-ugnayan sa ahensiya upang matanggal ang mga pangalan na hindi na dapat maisama sa voter’s list.

Samantala inihayag naman ng Comelec na nasa 94.8 percent na ng balota ang tapos nang maimprinta habang pumalo naman sa 178,000 ang naitalang defective ballots.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *