WHO nagbabala ng bagong variant na mas matindi kaysa sa omicron

Nagbabala ang World Health Organization sa buong mundo na posibleng kumalat ngayong taon ang isa na namang variant ng COVID-19.

Ang taya ng WHO ay dahil sa COVID-19 surge sa China, Canada at South Korea.

Bagamat unang inihayag ng WHO na mas nakakahawa at peligroso ang bagong variant, kinalma naman nito ang mga mamamayan na hindi naman malayong humina ang virus dahil sa lumalakas na immunity ng mga tao bunsod ng mga bakuna.

Iginiit din ng WHO na kahit sumulpot pa ang bagong variant ay posibleng mas mahina na ito kaya hindi na kailangan ang boosters o bagong bakuna.

Matatandaan na ilang variant na ng COVID-19 ang sumulpot kung saan ang Omicron na mas nakakahawa ang pinakahuli.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *