71-anyos na ginang – pinagsamantalahan at pinatay ng sariling apo

SENSITIBONG BALITA: Natagpuang wala nang buhay ang 71-anyos na lola sa madamo at makawayang bahagi ng Brgy Jangan, Balud, Masbate.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon sa Balud MPS, pinaghahanap na umano ang Lola umaga noong Mayo 1 at hapon na ito nang matagpuan.

Sa imbestigasyon, nakita ang biktima sa nasabing lugar na may higit 40 metro ang layo sa bahay nito at wala nang suot pang-ibaba.

Agad namang sumurender sa mga awtoridad ang isang 18-anyos na binata na napag-alaman na apo pa ng biktima sa kamag-anak.

Inamin nito na kinaladkad niya ang kanyang lola sa nasabing lugar at matapos niya pagsamantalahan ay sinakal niya ito hanggang malagutan ng hininga.

Sinabi pa nito sa imbestigador na nagawa lang umano niya ang krimen dahil lasing na lasing siya.

Nabatid na huling araw ng Kapistahan sa nasabing barangay at kilala ang suspek sa lugar na mainitin ang ulo nito.

Kasong rape with homicide ang isinampa ng pulisya sa suspek at kahapon ay na-inquest na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *