Bicol University, suportado ang Catanduanes State University laban sa mga namataang Chinese vessels sa lalawigan

LEGAZPI CITY – Nagpahayag ng pakikiisa at suporta ang Bicol University (BU) sa Catanduanes State University (CATSU) sa protesta laban sa mga namamataang Chinese Vessels sa karagatan ng lalawigan.

Matatandaan, nito lamang Huwebes, naglabas ng opisyal na pahayag ang CATSU sa nasabing usapin.

Naninindigan ang nasabing unibersidad laban sa hindi awtorisadong presensya ng Chinese vessels sa karagatan.

Naniniwala naman ang BU na ang mapanghimasok na presensya ng mga Chinese sa karagatan ng Catanduanes ay isang potensyal na banta sa posible o patuloy na panghihimasok sa lugar na hindi nila pagmamay-ari.

Naniniwala ang nasabing mga unibersidad na ang mga hakbanging ito ng nasabing bansa ay paglabag sa pamana at soberanya ng isang tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *