8 bagong talagang MARPO, nanumpa

SORSOGON CITY – Nanumpa ang walong opisyales na nailuklok sa puwesto bilang mga bagong Municipal Agrarian Reform Program Officers (MARPO) sa lalawigan ng Sorsogon.

Pinangunahan ang panunumpa ng mga bagong MARPO ni Department of Agrarian Reform (DAR) Regional Director Rodrigo O. Realubit sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Kanzo Convention Hall, Legazpi City.

Itatalaga sina Sheila Rose O. Guevarra, Anna Mae A. Ebuenga, Elizabeth P. Dimaano, Ma. Teresa B. Dealca, Leonida G. Madrid, Rommel S. Ortiz, Christian C. Confesor, at Erbing R. Obal sa iba’t-ibang bayan ng lalawigan.

Inaasahan sa mga bagong hirang na opisyales na maipatupad ang polisiya at programa ng ahensya nang naaayon sa batas.

Pagpapalawig ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARB) at paghikayat na maging miyembro ang mga ito ng ARB organizations ang isa sa pangunahing layunin ng MARPO, bukod sa tulong na maresolba ang usapin legal sa pagitan ng tenant at may-ari ng lupa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *