Balikatan exercise 2022, naging matagumpay – AFP

Pormal nang nagtapos ang isinagawang 37th Balikatan Exercises sa pagitan ng Armed Forces of the Philipines at ng US Military para sa taong ito.

Aabot sa halos 9,000 tropa mula sa Pilipinas at Amerika ang nakilahok sa pagsasanay na nagtagal ng dalawang linggo.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Andres Centino, ang naturang joint training ay patunay lang ng pagiging matatag ng alyansa ng dalawang bansa sa pagitan ng mga suliraning kinaharap ng dalawang estado.

Maituturing din umanong tagumpay ang Balikatan ngayong taon sapagkat natuloy pa rin ito sa kabila ng pandemya.

Ayon naman kay US Exercise Dir. Representative Brig. Gen. Joseph Clearfield, nagkaroon ng kapaki-pakinabang na resulta ang ika-37 Balikatan dahil sa pagharap nila sa iba’t ibang mga hamon.

Para naman kay , PHL Exercise Director Maj. Gen. Charlton Sean Gaerlan mas mapatatatag pa ang security cooperation ng AFP at ng US Military lalo na sa pagharap nito sa mga national threats.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *