8 patay, 8 sugatan sa magkahiwalay na vehicular accident sa E.Visayas

Patay ang walong tao, habang wala rin ang sugatan sa magkahiwalay na mga vehicular accident nitong nakaraang Pasko sa Eastern Visayas.

Kaugnay nito, anim indibidwal ang namatay, habang lima ang sugatan matapos bumangga ang isang tricycle sa isang bus sa nakaparadang back hoe sa Purok 4, π™±πš›πšπš’. π™ΌπšŠπšπš˜πš‹πšŠπšπš˜, π™²πšŠπš•πš‹πšŠπš’πš˜πš π™²πš’t𝚒, madaling araw nitong December 24.

Kinilala ang mga nasawi na sina Justin Arsenal, Princess Mae Arsenal, Trixie Roxas, Lisa Luaton, Richard Magcasi at Lara Jane Lera, na pawang mag menor de-edad at residente ng Brgy. Malopalo sa nabanggit na syudad.

Sa inisiyal sa imbestigasyon ng Calbayog PNP, habang binabaybay ng tricycab ang natonal highway sa Brgy. Matobato patungo sa Brgy. San Policarpo, nag maniobra daw ang naturang tricycab sa kabilang linya at hindi napansin ang early warning device malapit sa nakaparadang sirang back-hoe kaya tumama sa ito sa isang bus sa kabilang linya.

Samantala, sa hiwalay na aksidente naman, sugatan ang parehong driver ng isang truck at pampasaherong bus matapos magsalpukan sa Bπš›πšπš’. π™½πšŠπš‹πšŠπš—πš, π™ΎπššπšžπšŽπš—πšπš˜ π™³πš’πšœπšπš›πš’πšŒπš, sa Calbayog City, madaling araw ng December 25.

Sa Tacloban City naman patay ang isang babaeng menor-de edad matapos na mabangga ng sasakyan sa Brgy. Tigbao, Bypass Road, gabi nitong decemeber 24.

Sugatan rin ang kasama nitong babae na isa ring minor de-edad na pawang mga residente ng Brgy. 03, Upper Nula Tula, Tacloban City.

Sa Tolosa Leyte, dead on the spot ang isang lalake at sugatan ang angkas nito matapos sumalpok sa isang truck ng minamanihong motorsiklo
sa Brgy. Tanghas habang pauwi ang mga biktimang sa Telagrafo ng mag overtake ito sa kabilang linya dahilan para bumangga sa truck. //MENG TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *