8-point agenda para sa paglago ng ekonomiya, inilatag ng economic team

Inilahad ng economic team ng administrasyong Marcos ang kanilang ‘eight-point agenda’ na layong makamit ang ilang mga inilatag ng Pangulong economic promises sa kanyang State of the Nation Address kamakalawa.

Sa ‘Post-SONA forum’, inisa-isa ni Finance Secretary Ben Diokno ang mga paraan para mapataas ang ekonomiya ng bansa, at mapababa ang poverty rate sa single-digit.

Una rito ang pag-protekta sa purchasing power at pag-‘mitigate’ sa ‘socioeconomic scarring’ sa pamamagitan ng food security; pagpapaababa sa transport at logistic costs.

Pasok din dito ang mga hakbang para maibsan ang epekto ng pandemya sa pamamagitan ng pagpapalakas ng health sectors at social protections.

Dapat din aniyang masiguro ang efficensy sa gobyerno at pagkakaroon ng innovative financial sector.

Sa pamamagitan naman ng pagpapalakas ng pamumuhunan at kalakaran, mapararami umano ang mga trabaho sa bansa.

Layon din ng agenda na magkaroon ng sustainable programs sa pamamagitan ng pagsusulong ng ‘green economy at panatilihin ang public peace and order, at pagpapalakas ng kompetisyon sa merkado; pati na rin ang pagsisigurong madali ang pagne-negosyo sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *