Pagrepaso sa K-12 program, inaasahang matatapos ngayong school year – VP Sara

Kinumpirma ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte na mayroon itong hanggang sa susunod na taon para isapinal  aing isinasagawang review sa umiiral ka K-12 program.

Sa ‘Post-SONA forum’, sinabi ni Duterte na binigyan umano sila ni Pangulong Bongbong Marcos ng hanggang ngayong school year para tapusin ang pagre-review sa naturang programa.

Ayon kay Duterte, inumpisahan na raw ni dating secretary Liling Briones ang pagre-review sa nakaraang administrasyon sa pamamagitan ng kanilang Basic Education Development Plan o ‘yung BEDP.

Kabilang sa mga inaral na nina Briones ay ang programa mula Kinder hanggang Grade 10.

Dahil dito, mas tututukan umano nina Duterte ang review sa Grades 11 at 12.

Nakipagpulong na rin daw sila sa mga ahensyang nangangasiwa naman sa mga skills and vocational programs na siyang ipinatutupad sa Senior High School curriculum.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *