80% bed capacity ng BRTTH nagamit na-Doh Bicol

LEGAZPI-Kinumpirma ng Department of Health Bicol na umakyat na sa 80 percent sa bed capacity ng Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) sa Albay ukupado na ng Covid-19 patient.

Ayon sa report, sa 126 beds ng nasabing hospital, 101 beds na ang nagagamit nito.

Napag alaman na rin na ang utilization rate sa Isolation bed ang nasa 81 percent, 78 percent sa covid-ward, 83 percent sa ICU bed at 10 percent naman sa mechanical ventilation.

Dagdag pa nito, ang Dr. Amanado Cope Hospital  sa lalawigan ng Albay ang puno na ang bed capacity na samantalang ilan naman sa malalaking hospital ang malapit na rin mapunokasama na ang Legazpi City Hospital at 3 malalaking pribadong hospital.

Sa ngayon nananatili sa high risk ang utilization rate ng mga hospital sa Bicol Region dahil sa tumataas na bilang ng tinatamaan ng nakakahawang sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *