Mga na-lockdown sa Sta. Cruz, Koronadal, nakatanggap ng foodpacks

KORONADAL CITY – Umabot sa 969 na foodpacks ang naipamahagi ng city government ng Koronadal sa lahat ng mga tahanang apektado ng ipinatupad na absolute lockdown sa mga Barangay ng Santa Cruz at Barangay Zone II, Koronadal City.

Ito ang kinumpirma ni City Social Welfare and Development Officer Hydee Anunciado matapos na nanguna ang nasabing tanggapan kasama ang mga purok presidents sa nasabing distribusyon.

Kabilang sa mga purok na nakatanggap ang Purok Yellow Bell Extension kung saaan may 60 mga food packs na naipamigay, Agan Homes-270, San Antonio Phase 3-166, Phase 2 mahigit 300, Agan East Phase I at Phase II – 270 at Purok Bayanihan, Barangay Zone II-200.

Napagalamang magtatagal ang nasabing lockdown sa mga nabanggit na lugar mula Setyembre 18 hanggang Setyembre 27 ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *