86-anyos na ginang – patay matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa Ermita, Maynila

Patay ang isang 86 anyos na babaeng Chinese matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa Ermita, Maynila.

Lumabas sa imbestigasyon ng BFP na sa mismong bahay ng biktima nagmula ang sunog.

Hinala ng empleyado ng gusali, napabayaang charger sa sofa ang naging sanhi nito.

Umabot sa pangalawang alarma ang naturang sunog at halos tatlong oras ang inabot bago nagdeklarang fireout ang bumbero.

Aabot sa halos P1M ang pinsala ng apoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *