Iba’t ibang mga Unibersidad at kolehiyo sa Bicol, nagbigay ng suporta sa Catanduanes State University hinggil sa namataang Chinese Vessels sa katubigang sakop ng Catanduanes

BNFM Bicol-MATAPOS mamataan sa katubigang sakop ng Catanduanes ang ilang mga Chinese Vessels, nagpahayag ng suporta ang Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) – Bicol Region sa Catanduanes State University.

Hinimok ng samahan na papanaigin ang batas na nagproprotekta sa soberanya ng bansa laban sa mga panghihimasok kagaya ng nangyari nitong nakaraang araw na kung saan, napag-alamang mayroon umanong ibinababa ang namataang mga chinese vessels ng mga unidentified equipment na kung saan maaring ginamit sa isang maritime research.

Una nang kinondena ng Catanduanes State University ang nangyari sa kanilang lugar na kung saan   ay kanilang ikinabahala, sila rin ay nananawagang irespeto ang batas at higit sa lahat ang teritoryo na sakop ng bansa laban sa mga gawaing labag sa saligang batas. ### KENNETH BERMIL

IMAGE: PASUC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *