866,000 botante sa So.Cot, boboto sa BSKE 2023

KORONADAL CITY- NASA 866, 483 na mga botante ang inaasahang dadagsa at boboto sa Oktubre 30 sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections sa South Cotabato.

Ito ay batay sa datos ng Commisison on Elections o COMELEC South Cotabato mulang sa 10 mga bayan at isang lungsod sa lalawigan. Sa naturang numero, 640,928 ang regular voters kung saan pinakamarami ang mga botante sa Koronadal City na umabot sa 125,942.

Umabot naman sa 225,555 ang mga registered voters sa Sangguniang Kabataan.

Ang South Cotabato na mayroong 199 barangays ay binubuo ng 273 polling centers, 4,042 established polling precincts, at 1,845 na mga clustered precincts.

Umaasa naman si South Cotabato Provincial Election Supervisor Atty. Jay Gerada ng mataas na turn-out ng mga botante kung kayat hinihikayat nito ang mga voters na bumoto sa halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *