89 new cases, 188 recoveries, 4 deaths sa COVID-19 nadagdag sa Bicol

BICOL—89 na panibagong kaso ng COVID-19 ang nadagdag sa Bicol region ngayong araw kung kaya pumalo na sa 22,827 ang kabuuang kaso nito.

Pinakamaraming kaso ang naitala sa Camarines Sur na nasa 56 kung saan 21 nito ay mula sa Naga City, siyam sa bayan ng Magarao, anim sa bayan ng Nabua, apat sa bayan ng Gainza, tatlo sa bayan ng Cabusao, tigdadalawa ang mga bayan ng Lupi, Milaor at Sipocot at tig-iisa ang mga bayan ng Calabanga, Libmanan, Minalabac, Pili, San Fernando, San Jose at Tinambac.

26 na bagong kaso ang nadagdag sa lalawigan ng Sorsogon kung saan 16 nito ay mula sa Sorsogon City, tigdadalawa ang mga bayan ng Barcelona, Castilla, Gubat at Irosin at tig-isa naman ang bayan ng Donsol at Prieto Diaz.

Ang Albay ay nagtala ng limang bagong kaso kung saan tatlo nito ay mula sa lungsod ng Legazpi at dalawa sa bayan ng Oas.

Isang bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Masbate na mula sa Masbate City habang isa naman ang nagpositibo na nagmula sa labas ng rehiyon.

Zero new case ang lalawigan ng Camarines Norte habang wala pang specimen ang natetest na mula sa lalawigan ng Catanduanes.

Samantala, naitala rin ang mataas na bilang ng mga bagong gumaling na umabot sa 188 kung kaya pumalo na sa 18,868 ang total recoveries sa sakit sa rehiyon.

91 nito ay mula sa Camarines Sur, 28 sa Naga City, 26 sa Camarines Norte, 18 sa Masbate, 13 sa Catanduanes at 12 sa Sorsogon.

Pumalo na rin sa 862 ang death toll matapos na madagdagan ng apat kung saan dalawa nito ay mula sa Camarines Sur, isa sa Masbate at isa rin sa Sorsogon.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###  || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *