Bagong clue ng ‘human evolution’ nakita sa Pilipinas

Patuloy ang pag-aaral ngayon ng mga mananaliksik sa posibleng ugnayan ng isang tribu sa Pilipinas at nang ‘Denisovans’ — mga sinaunang tao na sinasabing namuhay sa Europa at Asya 40, 000 taon na ang nakakalipas.

Sa isang pag-aaral na inilathala ng Current Biology journal lumalabas na isang ethnic group na kilala bilang Ayta Magbukon ang nakitaan ng mataas na Denisovans DNA.

Napag-alaman na nasa 5% Denisovan ang nakita sa Ayta Magbukon,mas mataas sa kumpara sa 4% mula sa Aboriginal Australians at Papuans ayon kay Jakobsson, isang geneticist sa Uppsala University sa Sweden.

Una nang nakita ang Denisovan ancestory sa iba pang grupo sa East Asia subalit mas mababa umano ito.

Ang Ayta Magbukon ay mula sa mas malawak na grupo ng tao sa Pilipinas na tinatawag bilang Negritos.

Unang nadiskubre ang mga buto ng Denisovans sa loob ng Dinesova cave sa paanan ng Mt. Altai Siberia noong 2010.

Napakaliit umano ng mga fragments nito kung saan kasya ito sa palad ng tao.

Samantala naniniwala ang mga eksperto na magbibigay liwanag ang nadikubreng ugnayan ng DNA mula sa tribu ng Ayta Magbukon at Denisovan ancestory sa misteryo ng human evolution.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *