9 na barangay sa Guinobatan, Albay extended ang granular lockdown, restrictions niluwagan- Mayor Ongjoco

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni Alkalde Gemma Ann Ongjoco ng Guinobatan Albay na siyam na lang na barangay ang kanyang isinailalim sa granular lockdown matapos makapagtala pa rin ng pagdami ng kaso ng coronavirus disease (covid) 19.

Ayon kay Ongjoco, nagtapos na kahapon ang ikalawang extension o seven days na granular lockdown mula sa 42 barangay sa nasabing bayan.

Aniya, sa ginawang pagpupulong kahapon ng Municipal Inter Agency Task Force ng Guinobatan ay napagdesisyunan ng mga ito ay siyam na barangay na lng ang kinakailangan magpatuloy ng granular lockdown dahil sa dumarami pa rin ang kasong naitatalang covid 19 sa mga barangay.

 Base sa tala ng LGU, ang Barangay Ilawod ay mayroong trese na kaso ng nasabing sakit, sinundan ito ng San Francisco 11, tigsampo na kaso ang Barangay San Rafael at Quitago, ang Barangay Morera, Batbat, Poblacion, Inamnam Grande tig anim at Barangay Mauraro lima ang kaso ng covid 19.

 Ayon pa sa Alkalde simula ngayon araw ay epektibo na ang ikatlong extension ng granular lockdown sa nabanggit na barangay sa bayan. Binigyan diin nito na naging epektibo naman ang kanilang implementasyon laban sa naturang sakit ay dahil sa bumaba na rin ang naitatalang kaso ng covid 19 sa mga barangay.

 Nilinaw ng opisyal na tanging bibigyan ng ayuda ay mga nagpositibo at nasa quarantine facility na may covid 19.  Samantala, nagkaroon na rin ng pagluluwag sa mga restrictions na ipinatutupad sa bayan ng Guinobatan kung kayat hindi na gaano mahigpit maliban sa mga barangay na Granular Lockdown.

 Ayon sa Alkalde, pinapayagan ng pumasok sa Guinobatan ang ibang bayan para mamili ng mga pagkain at maaari na rin magtinda sa mga palengke ang mga vendor. Inaasahan rin sa mga magtitinda ay tutulong ang mga ito sa pagpapatupad ng health protocols laban sa covid 19 at maiwasan muli ang pagdami ng naturang sakit.

 Dagdag pa nito may mga pinagbabawal pa rin or restrictions na ipinatutupad ang lokal na Pamahalaan ng Guinobatan tulad ng bawal lumabas ng tahanan ang mga 18 taong gulang pababa at 65 anyos pataas sabong sa online at cockpit arena ay mahigpit na ipinagbabawal pa rin nito. Liquor ban sa buong Guinobatan ay mananatiling ipapatupad ng LGU sa mga barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *