Umabot na sa mahigit tatlong libong kabataan sa olongapo ang nakapag-parehistro para mabakunahan kontra corona virus disease.
Ito ang nilalaman ng masterlist Ng Local Vaccination Operations Center ilang araw bago umpisahan ang pagbabakuna sa mga edad dose hanggang desi siyete sa lungsod.
Kabilang sa mga ito ang mahigit tatlong daang kabataan na may comorbidity na unang babakunahan sa pasilidad ng James Gordon Memorial Hospital.
Dahil moderna at pfizer pa lang ang nabigyan Ng Emergency Use Authorization ng Food and Drug Administration kaya ang mga bakunang gawa lang ng dalawang kumpanya ang maaring gamitin sa mga kabataan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO