9 na miyembro ng NPA nagbalik loob sa pamahalaan

SORSOGON CITY – Nadagdagan muli ang bilang ng mga rebel returnees sa lalawigan ng Sorsogon, ito’y matapos na 9 na kasapi ng New People’s Army (NPA) sa probinsya ang kusang loob na sumurender sa hedkuwarter ng 31st Infantry Battalion sa Brgy. Rangas, Juban, Sorsogon.

Ang mga sumurender, ay kinabibilangan ng kalihim ng Gabriela-Sorsogon na itinago sa pangalang alyas Kim, 6 na miyembro ng Larangan 1, Komite ng Probinsya 3, Bicol Regional Party Committee (BRPC) at dalawang kasapi ng Milisya ng Bayan (MB).

Kanila ring ibinaba ang isang  kalibre .38 na revolver; 7 bala para sa nasabing baril at isang  MK2 hand grenade.

Taos puso namang tinanggap ng mga sundalo ng 31IB,  Sorsogon Police Provincial Office at ng Juban Municipal Police Station ang mga sumurender na rebelde.

Ang mga nagbalik loob ay nakatakdang isailalim sa debriefing session upang sila ay mapabilang sa mga mabibigyan ng tulong sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.

Ang tagumpay ng pagpapasuko ay bunga  pa rin ng walang humpay na Retooled Community Support Program ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *