90 days suspension ng driver’s lisence, ipinataw ng LTO sa retiradong pulis na nag-viral na nagkasa ng baril sa isang siklista

Nag-isyu ng 90 araw na suspension ang Land Transportation Office (LTO) sa driver’s lisence ng lalaking nag-viral na nagkasa at nanutok ng baril sa isang nagbibisikleta.

Paliwanag ni LTO chief Vigor Mendoza II, epektibo ang naturang suspensyon habang ongoing pa rin ang imbestigasyon upang matukoy kung ang lisensya ba ni Wilfredo Gonzales ay ire-revoke o hindi dahil sa panunutok ng baril sa isang road rage incident noong August 8.

Dagdag pa ni Mendoza, ang naturang hakbang ay isang agarang aksyon mula sa ahensyan upang tiyaking hindi na uulitin pa ni Gonzales ang kaparehong gawain.

Sa kabila nito, nilinaw ng opisyal na hindi pa naman pinal ang kanilang desisyon hinggil sa suspensyon ng lisensya, dahil maaari pa itong bawiin.

Mababatid na nang binawi ng Philippine National Police

(PNP) ang gun permits ni Gonzales, isang dating pulis na na-dismiss noong 2018, para sa tatlong baril na hawak nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *