Pinsala ng bagyong Goring umabot na sa mahigit P41M ayon sa NDRRMC

Umabot na sa mahigit P41,175,000 ang naging pinsala ng bagyong Goring sa pitong rehiyon ng bansa, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa panayam ng Brigada kay Dir. Edgar Posadas, Spokesperson ng Office of Civil Defense (OCD), nakataas na sa red alert ang Luzon habang on-going pa rin ang assessment ng OCD.

Batay sa darus ng NDRRMO, may halos 64K na ang apektadong mga indibidwal o mahigit sa 19K na pamilya mula sa 333 mga barangay at aabot na sa halos 25K pa rin ang nasa 154 na mga Evacuation Centers.

Dagdag pa ni Posadas, mayroon ring nasa 12 tulay ang naapektuhan sa region 1 and 2 dahil sa mga pagbahan kung saan sinuspended rin ang mahigit sa 60 sasakyang pandagat kung saan na stranded ang mahigit sa 140 na mga pasahero.
Samantala, aabot na sa halos 1M aang kabuuang naipaabot na tulong sa mga apektado ni Bagyong Goring.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *