900 nag-anyong Santa Clause, bumida noong nakaraang 13th St. Nicholas Run sa Germany

Likas sa ating pagkabata ang maniwala sa tinatawag na Santa Claus sa tuwing papalapit na ang kapaskuhan.

Minsan nga ay ito pa ang nagmimistulang daan upang maging mabait nang sa ganun pagdating ng kapaskuhan ay may regalong matatanggap mula kay Santa.

Bukod pa riyan, minsan mo na rin bang hinangad na makita si Santa?

Noong minsang papalapit na kasi ang kapaskuhan ay hindi lamang isa, dalawa o tatlo ang makikitqang Santa Claus sa isinagawang St. Nicholas Run sa Germany.

Aabot lang naman kasi sa 900 katao na nagbihis o nag-costume na Santa Clause ang lumahok para sa aktibidad na ito.

Ayon sa ulat, ito na ang nangyaring pinakamalaking costumed running event sa Germany.

Sumakatuwid, pagkatapos naman ng marathon ay pinainom naman ng wine at chocolate ang lahat ng kalahok.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *