SRP sa iba’t ibang produkto, nasunod naman ng karamihan ng tindahan, ayon sa DTI

Sumusunod naman ang karamihan sa mga tindahan maging ang supermarket sa suggested retail price o SRP para sa iba’t ibang produkto.

Ito ang nadiskubre ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pag-iikot nila sa naturang mga establisyemento

Sa Bagong Pilipinas ngayon, sinabi ni DTI Undersecretary Kim Lokin na araw-araw silang nagbabantay ng presyo ng mga bilihin at aniya nakikita nitong halos lahat naman ay sumusunod sa SRP.

Ayon kay Lokin, iyong mga negosyanteng hindi nakasusunod sa SRP ay binibigyan ng letter of inquiry upang pagpaliwanagin.

Nilinaw naman ng DTI Undersecretary na hindi sakop ang lahat ng produkto sa SRP.

Aniya, magtungo lamang sa website ng ahensya upang gawing gabay sa mga mamimili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *