92-year old na Fashion Model na tinaguriang “World’s Oldest Model” patuloy pa rin sa pagrampa

Karamihan sa atin na sa pagtungtung pa lamang ng edad 60-anyos ay nahihirapan nang umawra, ibahin niyo ang isang babae sa New York City na kung saan sa kabila ng kanyang edad ay nagagawa pa niyang ipakita sa mundo ang kanyang kagandahan.

“Timeless beauty,” na mailalarawan ang isang 92-anyos na babae sa New York City na si Carmen Dell’Orefice dahil sa kabila ng kanyang edad ay patuloy pa rin siya sa pagrampa.

“Age is just a number” ika nga.

Nagsimula siyang rumampa noon siya ay 13-anyos pa lamang matapos siya madiskubre ng isang photographer.

Na-feature din siya sa Vogue Magazine noong siya ay 15-anyos pa lang.

Sa ngayon, patuloy pa rin siya sa pagrampa at pagbibigay ng inspirasyon sa bawat indibidwal. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *