968 barangays sa R-12, drug-free na!

KORONADAL CITY — UMAABOT na sa 968 ang bilang ng mga barangay sa buong Rehiyon-12 na ideneklarang drug-free ng PDEA Region-12 mula sa 1, 158 barangay na target nito.

Ayon kay PDEA-12 Spokesperson Kath Abad, idenedeklarang drug-cleared ang isang barangay kung wala itong presensiya ng mga clandestine drug laboratories, chemical warehouses, marijuana cultivation sites, drug dens, drug pushers at drug users.

Maliban sa mga ideneklarang drug-cleared, may 60 mga barangay umano na nag-a-apply sa ngayon upang ma-maintain ang kanilang “drug-free” status habang may tatlong na muling nakakuha ng nasabing status at tatlong iba pa ang kinokonsiderang nasa probationary status.

Inako naman ni Abad na importante sa tagumpany sa kampanya laban sa illegal na droga ang pag-istablisa ng bawat barangay ng kanilang Barangay Drug Abuse Council o BADAC.

Noong nakaraang taon, umaabot umano sa P19 million ang halaga ng illegal drugs na nakumpiska ng PDEA-12 sa ibat-ibang mga operasyon sa buong SOCCSKSARGEN Region.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *