100 ektarya ng taniman, apektado ng pagbaha sa 1 barangay sa Tantangan, SoCot

KORONADAL CITY — MAHIGIT sa 100 ektarya ng taniman at 10 mga kabahayan ang naapektuhan ng pagbaha mula sa Barangay Dumadalig, Tantangan, South Cotabato dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan kahapon ng hapon.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Punong Barangay Johnny Alada, tuloy-tuloy ang kanilang pagbabantay sa mga lugar na binaha lalo na’t nagiging maulan ang panahon nitong mga nakaraang araw.
Inaalam din umano nila ang pinsalang iniwan ng pagbaha sa kanilang barangay.

Ayon kay Alada, isa sa mga dahilan ng pagbaha ang mga basurang nag-bara sa mga kanal na naging dahilan ng pag-apaw ng tubig na pumasok sa ilang mga kabahayan.

Sa ngayon, halos humupa na ang pagbaha sa nabanggit na barangay ngunit nagbabala si Alada sa mga residente na maging alerto sa lahat ng oras lalo na sa mga residenteng nakatira malapit sa ilog at creeks sa posibilidad ng muling pagtaas ng tubig-baha sa tuwing umuulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *