LEGAZPI CITY – Tatlong volcanic earthquakes ang naitala sa bulkang Mayon kahapon sa loob ng 24 oras na pagmo-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sa tala ng PHIVOLCS kahapon, nakita rin na mayroong naganap na rock fall event sa bulkan.
Hindi ito nakitaan ng banaag o crater grow dahil natatakpan ito ng ulap.
Naobserbahan ding nagkagroon ng bahagyang pamamaga ang lava dome ng bulkan.
Samantala, nananatiling nakataas ang alert level 2 status sa bulkang Mayon kaya’t inaabisuhan pa rin ang publiko na maging alerto sa oras na itaas ang status nito.
Dagdag pa ng PHIVOLCS, iwasan umano ang pagpasok o pagpapalipad ng anumang aircraft na malapit sa permanent danger zone nito.