“Bandilyo operation”, isinagawa ng BFP Legazpi sa lunsod upang bigyang-paalala ang publiko tungkol sa pag-iwas sa sunog

LEGAZPI CITY – Huling araw ngayon ng Bureau of Fire Protection (BFP) Legazpi para sa pagsasagawa nila ng Bandilyo Operation upang ianunsyo sa publiko ang mga paalala lalo na sa mga may ari ng bahay o pamilya upang maiwasan ang anumang sunog sa kani-kanilang mga tahanan.

Ayon kay Senior Fire Officer 2 Madonna Rempillo, tagapagsalita ng BFP Legazpi, karamihan marahil sa mga bumisita sa sementeryo ay iniwan ang kanilang bahay, ngunit may ilan din marahil na nakalimutang alisin ang mga nakasaksak na mga gamit tulad ng appliances at iba pa na maaaring pagmulan ng sunog.

Dahil dito, ginawa ang nabanggit na operasyon sa mga barangay upang bigyan ng tips ang publiko.

Simula naman nang bumisita ang mga tao sa sementeryo ay walang naitalang sunog dahil naging epektibo ang ginawang kampaya sa mga barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *