3 volcanic earthquakes at isang rock fall event, naitala sa bulkang Mayon sa loob lamang ng 24 oras kahapon

LEGAZPI CITY – Tatlong volcanic earthquakes ang naitala sa bulkang Mayon kahapon sa loob ng 24 oras na pagmo-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sa tala ng PHIVOLCS kahapon, nakita rin na mayroong naganap na rock fall event sa bulkan.

Hindi ito nakitaan ng banaag o crater grow dahil natatakpan ito ng ulap.

Naobserbahan ding nagkagroon ng bahagyang pamamaga ang lava dome ng bulkan.

Samantala, nananatiling nakataas ang alert level 2 status sa bulkang Mayon kaya’t inaabisuhan pa rin ang publiko na maging alerto sa oras na itaas ang status nito.

Dagdag pa ng PHIVOLCS, iwasan umano ang pagpasok o pagpapalipad ng anumang aircraft na malapit sa permanent danger zone nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *