Anak na babae ng Government Minister sa Uganda, patay sa ambush!

Patay ang anak na babae ni Ugandan Government Minister General Edward Katumba Wamala matapos tambangan sa labas ng kanilang bahay sa Kampala Uganda.

Ayon sa mga pulis, galing sa bahay ang sasakyan ng 26-anyos na biktima na si Brenda Nantogo nang paputukan ng mga hindi nakilalang suspect na sakay ng motorsiklo.

Napag-alaman na kasama sa sasakyan ng biktima ang Minister General, bodyguard at driver nang mangyari ang insidente.

Maliban sa anak , patay din ang kanilang driver habang nagtamo ng mga tama ng bala ang Minister General habang hindi nasugatan ang bodyguard.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na sinundan ng tinatayang apat na suspect ang sasakyan ng mga biktima bago pinaulanan ng bala.

Tiniyak naman ni Uganda President Yoweri Museveni na ginagawa ng gobyerno ang lahat para sa kaso kasabay ng kumpirmasyon na mayroon nang clue ang mga otoridad sa mga nasa likod ng krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *