Nagbabala sa publiko ang Bureau of Fire Protection sa Puerto Princesa kaugnay sa mga iniaalok na safety device o LPG regulator sa mga tahanan.
Ayon kay SFO1 Mark Anthony Llacuna, hindi sila nagbabahay-bahay upang magsagawa ng ‘demonstration’ tungkol sa umanoy safety device para maiwasan ang sunog o pagsabog ng LPG sa tahanan.
Dagdag ni Llacuna, wala rin silang pinahihintulutan na kompanya o kung sinuman para magsagawa nito sa mga LPG consumer simula noon.
Kaugnay nito, ikinalungkot ng City Fire Station na mayroong nagreklamo sa Brigada makaraang ma-scam ng mga nag-alok ng sinasabing LPG regulator kamakailan subalit hindi ito pinakinabangan ng biktima.
Dahil dito, ipinapayo ng taga-pamatay sunog na magreport sa PNP o sa barangay sakaling maka-engkwentro ng nag-aalok ng ganitong serbisyo upang makatiyak at maiwasan ang scammers.